Sunday, February 3, 2019

February 03, 2019



Nitong nakaraang buwan ay naging mahirap ang mga araw para sa tricycle driver na si Charlie Lozada at mga anak nito. Nakilala ng lahat si Charlie magmula nang isangguni nito ang reklamo laban sa asawang OFW na si Sheerlyn Gerasta na ipinagpalit sila sa isang engineer sa Saudi. Ang sinasabing kalaguyo ni Sheerlyn ay nagngangalang Edwin “Kimpoy” Madredio. 

Ang Paghihiwalay 

Sa mala-teleserye na kwento ng kanilang buhay, humantong din ang dalawang partido sa iisang desisyon. At ito ay ang tuluyang paghihiwalay ng dalawa. Sa huling tagpo ng kwento nito sa Wanted Sa Radyo, ibinulgar ni Charlie na patuloy pa din ang relasyon ng asawa at ng kalaguyo nito. Ganunpaman, desisyon ni Charlie na hindi na maghabol sa asawa at mag-focus na lang sa kanya ng mga anak. 

Bagong Kaibigan 

Ngayon naman, kumakalat sa social media na may iba nang nagpapatibok ng puso ni Charlie at ito ay isang OFW mula sa Saudi. Tila nabulabog ang social media nang kumalat ang mga larawan na inupload ng netizen na si Gretchen Gatbonbon Malonzo na kung saan ay makikitang nakaka-video call nito si Charlie at mga anak nito. Ang mga screenshot ang patunay na may nauumpisahang pagkakaibigan sa dalawa. Nilinaw naman ni Gretchen na sila ni Charlie ay magkaibigan lamang. 


Masaya Na Si Charlie 

Ngunit sa pahayag ng OFW din sa Saudi na sila ay magkaibigan lamang ni Charlie at talaga namang kilig na kilig ang mga ito sa dalawa. Marami ang natutuwa na unti-unting nagiging masaya na ang ama. Kung dati ay puno ito ng paghihinagpis dulot ng pagkakawasak ng pamilya, ngayon naman ay may nagpapasaya na rito. 
Ayon sa isa sa mga post ni Malonzo, 
“Kung di ka para sakanya, baka may nilaan si God para sayo..” 
Sa iba pa nitong post, masaya ito malaman na unti unti ay nagiging masaya na si Charlie at mga anak nito. Nakakausap at nakaka-video call din nito ang anak ni Charlie na babae na si Sophia. 


Komento Ng Netizens

Bagaman marami ang natutuwa at kinikilig sa umuusbong na magandang pagkakaibigan sa gitna nina Gretchen at Charlie, marami din ang nagkomento na dapat ay pagpahingahin muna ni Charlie ang puso at ituon na lamang ang atensyon sa mga anak. 



0 comments:

Post a Comment